Lunes, Setyembre 30, 2019

Friday


September 20, 2019
Thanks God Its Friday. Matapos ang ilang araw sa wakas Friday na. Nung umaga nag dadalawang isip na ako kung papasok ba ako o hindi dahil maulan na naman at acquaintance party rin nila mamaya. Oo nila lang, hindi na ako sumama. Pero naisip ko na absent na ako kahapon kaya papasok na lang ako. 7:30AM ng makarating ako ng school dahil sa traffic at maulan. Habang pa akyat ako kinakabahan ako dahil late na naman ako, pero pag dating ko wala pala yung adviser ko at konti lang din yung pumasok dahil yung iba mas pinili na lang mag bigay at mag handa para sa party na gaganapin mamaya. Hindi ko nga rin alam bakit may pasok pa. Wala naman pa lang gagawin at wala rin naman pa lang papasok na teacher sa amin. Sana binigyan na lang nila ng oras yung mag aaral na makapag handa para sa event mamaya. Mag hapon lang kami nasa room, tinatapos yung mga dapat tapusin na assignments. Hindi namin namalayan yung oras. 12PM na pala, lunch na rin namin pero napagdesisyunan namin na wag ng kumain dahil mag uuwian na rin naman mamaya. Ilang oras pa kami nag hintay para makauwi na kami. Mga 2PM ng palabasin kami at nag kanya kanya na kaming uwi bago pa umulan ng malakas. 2:30PM ng makarating ako sa bahay. Nagpahinga saglit habang hinihintay yung bunso kong kapatid makauwi para sabay kami mag meryenda. Maya maya lang dumating na rin yung kapatid ko at sabay sabay kaming kumain at nanuod ulit sa sala. Wala naman bago hanggang sa mag gabi at mag hahapunan na kami. Dahil Friday ngayon at walang pasok kinabukasan sabay sabay ulit kaming nagpuyat kakanuod ng movies.

#LessonLearned101
-huwag umasa sa suspensions para hindi malate

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento