September 19, 2019
Happy Thursday! 10 AM na pala. Hindi ako nakapasok dahil
alas tres na kami natapos manuod ng movie. Inaya ako ng kaibigan ko mag
Samgyupsal at ng partner ko kaya naman naligo at nag asikaso na ako para
makaalis na rin. 12PM na ng makarating ako sa Manila kasama ng partner ko
hinihintay namin yung kaibigan ko na mamayang 3PM pa yung out sa school.
Nagikot ikot muna kaming dalawa sa manila, naghanap na rin ng kailangan niya
para sa iPhone niya. 3:30PM ng makasama na namin yung kaibigan namin at sabay
sabay na kaming pumunta sa Malate Manila para mag Samgyupsal. Habang kumakain
kami nag kekwentuhan kami ng mga nangyayari sa amin sa schools dahil
magkakalayo na kami. Nagkaron rin ng konting inuman dahil ngayon na lang ulit
kami nagkasama sama lalo na nung Girlfriend ko. Yes, girlfriend. Bisexual ako.
So ayun, 6PM na kami natapos kumain. Paglabas namin hindi namin namalayan na
sobrang lakas pala ng ulan, medyo baha na rin sa daanan at sobrang traffic na
rin. Pag sakay ko ng bus punuan na, wala kong choice kundi tumayo na lang kaysa
maghintay ng matagal. 8:30 ng makarating ako ng bahay, basang basa ng ulan at
sobrang pagod. Paguwi ko naligo ako at
nagbihis na para makapag pahinga na rin.
#LessonLearned101
-Huwag magpupuyat lalo na kapag may pasok kinabukasan.
-Minsan talaga may mga bagay na kailangan isakripisyo para
sumaya
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento