Lunes, Setyembre 30, 2019

Tuesday


September 17, 2019
Goodmorning Tuesday! Panibagong araw panibagong pagsubok nanaman. Isang maulan na umaga para sa mga estudyanteng umaasa na walang pasok. Eto na naman ako pag gising sa umaga iniistalk muna si Mayor hinihintay na baka biglang mag suspend ng klase. Pag dating ko ng school kasunod ko lang yung adviser ko, gen math namin ulit. Wala naman bago para sa araw na to para sa subject namin na to, yun pa rin naman ang topic kinaibahan lang nag solve kami ngayon araw na to. Sa araw na ito second subject namin ay Phil. Politics wala rin bago yun pa rin ang topic na aming tinatalakay. Tuesday nga pala ngayon, may PE class nga pala kami para sa araw na ito. Bago kami mag lunch break nag practice muna kami para sa amin practical na gagawin mamaya sa PE class. Pero inalis pala ko sa group na kinabibilangan ko dahil hindi ako naka attend ng practice kahapon gawa ng umuwi ako agad. Pinanuod ko na lang yung mag kaibang group sa kanilang practice na ginagawa maya’t maya dumating na si Sir. Pinaghanda na yung mga kaklase ko para sa kanilang gagawin at pag tapos ng ilang minuto tinawag na ni Sir ang kabilang grupo para mag perform. Maganda naman yung gawa nila hindi nga lang napaghandaan ng husto siguro, pag tapos nila ang sunod naman ay ang grupo ko. Pag tapos nila mag perform ng Cheerdance pinag lunch na kami ni Sir. Sabay ulit kami kumain ni Joana, habang kumakain nagkekwentuhan kami ng kung ano ano tungkol sa buhay namin at sa lovelife namin.  Bago mag uwian nagusap usap kami ng mga kaklase ko na gagawa kami ng report namin para sa Politics. Nung uwian sabay na kami nag lakad ni Joana papuntang 7/11 doon na namin hinintay yung mga kasama namin para sa gagawin namin report. Halos isang oras din kami naghintay ng napag desisyonan namin na sa susunod nalang dahil anong oras na rin. Pagkauwi ko ng bahay sabay sabay kami nag meryenda ng kapatid at lola ko at nanuod kami sa sala. Kinagabihan, sabay sabay ulit kami nag hapunan pag tapos non pumunta na kami sa kanya kanya namin kwarto. Wala na rin naman akong gagawin kaya nagusap na rin kami ng partner ko. Kwentuhan lang sa buong araw na nangyari sa school pag tapos non matutulog na kami ng magka-videocall.

#Lessonlearned101
-unahin ang mga bagay na mas importante at matutong mag balance ng oras sa lahat ng bagay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento