September 18, 2019
Goodmorning Wednesday! Maulan na umaga ulit para sa atin
lahat na umaasa na walang pasok. Pero walang bago, ganon pa rin. Wala pa rin
pag suspend mula sa ating mahal na Mayor ng Santa Rosa Laguna. Nag asikaso na
ako para sa pag pasok ko sa araw na ito. Pag tapos ko maligo kumain na ako at
nagbihis 7 ng umaga ang oras ng klase ko pero 6:30 na nasa bahay pa rin ako
hindi ako makaalis dahil sa umuulan. Maya maya tumila na rin yung ulan kaya
nakaalis na ako. Pag dating ko ng school buti na lang wala pa yung adviser ko.
Wednesday pala ngayon, wala kaming Math. Komunikasyon pala yung subject namin
para sa araw na to. Nagsulat lang kami sa oras na to tungkol sa amin topic na
Personal at Imahinasyon at pag tapos ay pinagisip kami ng kanya kanya namin
joke na isa isa namin isasalita sa harapan. Eto na nga nagumpisa na kami mag
salita sa harap at nung ako na tumayo ako papunta sa harap at binitawan ang
salitang “Ghost kaba?” sumagot ang isa kong kaklase ng “Bakit?” sumagot naman
ako ng “Ghos-to kasi kita” at sabay sabay nag tawanan at naghiyawan ang mga
kapwa ko mag aaral. Hindi namin namalayan na time na pala, emtech na pala next
subj namin. May debate nga pala kami ngayon sa Emtech tungkol sa kung ano ang
mas maganda ang Social Media ba o ang Blog? Hinati kami sa dalawang grupo at
napunta ko sa grupo ng mga blog. Isa isa namin pinagtanggol at pinaliwanag kung
bakit mas maganda ang blog kaysa sa social media. Para sa akin mas maganda
naman talaga ang blog kaysa sa social media dahil mas natutulungan tayo na
mahasa ang writing skills natin lalo na sa strand namin na HUMSS. Natapos ang
debate namin na sinasabe na mas maganda talaga ang Blog. Nung uwian namin nag
plano kami ni Joana na mag kita kami sa SM para mag open ng bank account para
sa project namin sa Gen Math. Nung pauwi na ako para mag palit ng damit biglang
umulan kaya nag decide kami ni Joana na wag ng tumuloy. Nung gabi sabay sabay
ulit kami nag hapunan ng pamilya ko at nag kwentuhan sa nangyari sa amin mag
hapon at pag tapos kumain nanuod kami ng movie sa sala at nag padeliver kami
habang nanunuod. Madaling araw na kami na tapos sa pinapanuod namin. Pag tapos
neto pumasok na kami sa kanya kanya namin kwarto para matulog.
#Lessonlearned101
-kagandahan ng pagba-blog
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento