Lunes, Setyembre 30, 2019

Monday


September 16, 2019
Lunes ng umaga, pag gising ko umuulan na naman. Wala ng bago, ilang araw ng ganito may bagyo nanaman ata. Nagcellphone muna ko bago mag asikaso para sa pag pasok sa eskwela umaasa na baka suspend ang klase. Maga-alasais na ng umaga pero wala pa rin pag announcement mula sa Mayor namin kaya nag handa na ako para sa aking pag pasok. Pag dating ko ng school ay umuulan pa rin kaya napag desisyunan na sa room na lang naming gawin ang aming flag ceremony. Matapos ang aming flag ceremony nag umpisa na ang klase namin para sa araw na ito. General Mathematics ang lagi namin unang subject. Pinag aralan namin sa araw na ito ay tungkol sa Compound Interest. Pag tapos ng klase na iyon ay bumaba na kami para sa klase ni sir na Science nagturo lang si Sir at pag tapos non ay bumalik na kami sa amin klase para sa sunod namin klase na Phil Politics. Tinalakay ng kapwa ko mag aaral ang tungkol sa Legislative na kung saan ipinaliwanag nila ang kaibahan ng Senate at House of Representative. Sinabi rito ng reporter na ang Senate ay mayroon 24 senators na may anim na taon sa termino. Samantalang ang House of Representative naman ay mayroon 250 members na kung saan ang 200 ay galling sa district at ang 50 naman ay mula sa partylist kasama rin sa mga tinalakay ang mga officers ng nasabing Senate at House of Representative. Ipinaliwanag rin sa amin ang kaibahan ng Minority at Majority floor leader. Ang Majority floor leader ng Senate ay si Juan Miguel Zubiri samantalang ang Minority floor leader naman ay si Franklin Drilon at ang sa House of Representative Majority floor leader naman ay si Hon. Romualdez Ferdinand Martin G at si Hon. Abante Bienvenido M naman sa Minority floor leader. Pag tapos ng klase namin na yun ay nag break time muna kami, tinulungan ko ang aking kaibigan na si Joana na maibenta ang kanyang paninda na graham balls. Wala kaming klase pag tapos ng aming break, absent ata si sir halos dalawang oras din kaming walang ginagawa hindi ko na namalayan na lunch break na naman pala kung kaya’t kumain na kaming dalawa ni Joana. Lagi kaming sabay neto sa pag pasok, pagkain at pag uwi galling eskwela. Pag dating ko sa bahay napagsabihan ako ng lola ko tungkol sa grades ng kapatid ko dahil medyo bumaba raw ito. Hindi ko raw tinutulungan yung kapatid ko kaya naisip ko non na may mga bagay pala talaga na isisisi sa atin kahit hindi naman natin ito kasalanan. Hindi na ako nakapag hapunan dahil rito, maaga na rin ako natulog dahil may pasok pa kinabukasan.

#LessonLearned101
-compound interest
-legislative

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento